Dead on the spot ang isang motorcycle rider matapos siyang magulungan ng truck sa Taguig City.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente noong gabi ng Sabado sa Santa Maria Drive.
Kuwento umano ng truck driver sa pulisya, hindi niya napansin ang motorsiklo at nalaman lang niyang may nasagasaan siya nang may madinig siyang kalabog.
Kaagad umano niyang itinigil ang sasakyan at doon na nakita ang motorsiklo at biktima.
Nasa kostudiya ng pulisya ang driver ng truck na humingi ng dispensa sa pamilya ng biktima.
Mahaharap ang driver sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.—FRJ GMA Integrated News
