Inaasahang tataas pa sa mahigit P130 kada litro ang presyo ng diesel habang maaari namang tumaas ng mahigit P100 kada litro ang gasolina nitong linggo, sa ikatlong linggo na ng serye ng mga naglalakihang pagtaas ng presyo ng langis dulot ng sigalot sa Middle East.
Batay sa datos na inilabas ng Department of Energy nitong Martes ang sakop ng mga pagbabago sa presyo para sa Marso 24 hanggang 30, 2026.
Para naman sa gasolina, nasa P8 hanggang P12 kada litro ang pagtaas ng presyo, kaya ang presyo ng RON97 ay nasa P87.69 hanggang P112.40 kada litro, ang RON95 ay nasa P83.10 hanggang P109.78 kada litro, at ang RON91 ay nasa P82.60 hanggang P102.50 kada litro.
Ang diesel naman, nasa P15 hanggang P18 kada litro ang pagtaas ng presyo, kaya umakyat sa P107 hanggang P134.30 ang presyo ng gasolina, at ang diesel plus ay nasa P114.99 hanggang P144.20 kada litro.
Ang kerosene naman ay tumaas ng P12 hanggang P22 kada litro, kaya pumalo ang presyo ng gasolina sa P111.99 hanggang P165.79 kada litro.
Nauna nang inanunsyo ng Jetti Petroleum na itataas nito ang presyo ng gasolina ng P8.00 kada litro at ang presyo ng diesel ng P18.00 kada litro, na epektibo 6 a.m. ng Martes, Marso 24.
Sinabi rin ng Petron na ipapatupad nito ang mga sumusunod na pagsasaayos sa presyo ng gasolina, epektibo 6 a.m. sa Martes:
- Gasolina - P10.50 kada litro
- Diesel - P17.50 kada litro
- Kerosene - P21.50 kada litro
Samantala, sinabi ng Cleanfuel na magpapatupad ito ng staggered increase na P8.40 kada litro para sa diesel at isang beses na pagtaas na P9.40 kada litro para sa gasolina, epektibo alas-8:01 a.m. nitong Martes.
“The increase is still attributed to ongoing conflict in the Middle East,” sabi ni Energy Secretary Sharon Garin sa isang virtual press briefing.
“Even though it is smaller than last week, this is still a significant jump, considering that it will still affect our transportation industry as well as all industries, as well as the buying power of our households." —Jamil Santos/Ted Cordero/VBL GMA Integrated News

