Magkahalong galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ang aasahan ng mga motorista sa susunod na linggo.

Batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw, sinabi ng isang source mula sa oil industry na maaaring P6.00 hanggang P8.00 per liter ang posibleng rollback sa presyo ng diesel.

Gayunman, posibleng tumaas naman ng P1.00 hanggang P4.00 per liter ang presyo ng gasoline.

A report by Agence France-Presse said that global oil prices fell more than 5% Thursday on optimism over talks aimed at ending the Middle East war

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, bumagsak nang mahigit 5% ang pandaigdigang presyo ng langis noong Huwebes dahil sa pag-asa kaugnay ng pag-uusap na naglalayong wakasan ang digmaan sa Gitnang Silangan.

Bumaba ng 5.1% sa presyong $96.06 kada bariles ang international benchmark na Brent North Sea crude.

Samantala, bumagsak ng 5.5% sa $89.87 ang pangunahing kontrata ng US na West Texas Intermediate.

Karaniwang inaanunsyo ng mga lokal na kumpanya ng langis ang price adjustments tuwing Lunes, at ipinatutupad ito kinabukasan ng Martes.

Nitong nakaraang Martes, Mayo 5, ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang sumusunod na fuel price adjustments: pagtaas na P2.20 hanggang P2.21 kada litro para sa gasolina, pagtaas na P2.60 kada litro para sa diesel, at rollback na P3.53 kada litro para sa kerosene.— Ted Cordero/FRJ GMA News