Isang hindi makalilimutang pangyayari ang naranasan ng aktres na si Lotlot de Leon sa recent trip niya sa Amerika.

Isa kasing reunion ang naganap sa Amerika dahil nakasama ng aktres at ang kaniyang American biological father na si Donald Olson at mga kapatid niya rito.

Sa nakalipas na 45 taon, ito ang unang pagkakataon na nakita nang personal ni Lotlot ang kaniyang mga kapatid sa ama na sina Dawn Olson Evans, at Myria Olson Dufresne.

Habang na-meet naman ni Lotlot noong January 2013 ang isa pa niyang kapatid na si Donna Olson Bennett nang pumunta ito sa Pilipinas.

Samantala, September 2013 naman nang bumisita rin sa Pilipinas ang ang kaniyang ama na si Donald.

Naganap ang reunion sa Jacksonville, Florida nitong April 30, kung saan nakatira ang tunay na ama ni Lotlot at ang asawa nitong Pinay na si Vicki.

Ang pagkakaalam daw ni ni Lotlot at ng kanyang ama, si Donna lang ang pupunta sa Florida kaya malaking sorpresa sa kanila ang kanilang pagkakasama-sama.

Napag-alaman na naka-base ang magkakapatid na Dawn,Myria, at Donna sa Wisconsin.

Bago pa ito, nagkagulatan sina Lotlot at Myria dahil isang upuan lamang ang pagitan nila sa eroplano sa flight mula Atlanta, Georgia, patungong Jacksonville.

Sinamantala ng apat na magkakapatid at ng kanilang ama at stepmother ang bonding sa loob ng tatlong gabi at dalawang araw.

Doble ang kaligayahang nadama ni Lotlot dahil bukod sa kanilang family reunion, na inabot na ng maraming taon bago natupad, nakapag-uwi pa siya ng Best Supporting Actress trophy mula sa 50th Houston Worldfest International Film Festival sa Houston, Texas, para sa pagganap niya sa pelikulang 1st Sem.

Mula sa filmfest ay dumiretso na siya sa Jacksonville, Florida. -- For the full story, visit PEP.ph