Extra special umano ang wedding scene nina Alden Richards at Maine Mendoza bilang sina Benjie at Sinag sa "Destined To Be Yours." Maliban sa pagiging enggrande, may personal touch daw dito ang aktres.
Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing patutunayan nina Benjie at Sinag na may forever sa kanilang pagmamahalan dahil sa kasalan mauuwi ang kanilang pag-iibigan sa kabila ng maraming problema na kanilang pinagdaanan.
Eksklusibong ipinasilip sa GMA Newsang behind the scenes sa wedding scene kung saan namutiktik ng mga espesyal na bulaklak ang wedding ceremony.
English garden o ruins ang temang naisip sa kasal na nag-uumapaw ang naggagandahang bulaklak tulad ng ecuadorian roses, orchids tulips at marami pa.
Hindi rin daw simple ang bouquet na hahawakan ng bride.
Ayon sa stylist na si Henry Pascual, nag-focus sila sa pastel colors na nagrereflect sa personality ni Maine na masiyahin pero dominant pa rin daw ang white.
Sinabi naman ni Alden, na hindi pa rin mawawala ang kilig factor sa finale episode ng "Destined To Be Yours."
Samantala, sinabi naman ni Maine na siya mismo ang pumili ng awitin para sa kaniyang bridal march dahil sa maganda lyrics ng kanta. -- FRJ, GMA News
