Marami ang kinilig at nabitin sa kissing scene nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva sa "My Love From The Star." Pero ayon sa baguhang aktor, masusundan pa ang mga kilig scene na 'yan ng kanilang mga karakter na sina Steffi at Mateo.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing hindi first at last kissing scene nina Steffi Chavez at Matteo Domingo ang napanood ng fans sa "My Love From the Star," nitong nakaraang linggo.

ADVERTISEMENT

Pag-amin ng Pinoy Matteo na si Gil, kaka-shoot lang nila ng panibagong kissing scene ni Jennylyn.

Pero kung ang first kissing scene nina Jennylyn at Gil ay umabot ng nine takes, ngayon, sinabing model-turned-actor na mas konti at naka-five takes lang sila ngayon.

Aminado si Gil may kaba at hindi pa siya sanay sa naturang eksena kaya pinaghandaan daw niya nang husto.

"Toothbrush, mouthwash, 'wag muna kumain. kailangan gising, kailangan fresh, kailangan guwapo. Kaya ayon,  nagpaguwapo talaga," natatawang niyang kuwento.

Ayon pa sa aktor, maraming pang dapat na abangan sa kanilang serye at nagpapasalamat siya sa positive comments na kaniyang natatanggap mula sa fans at pati sa kaniyang co-stars. -- FRJ, GMA News