Hindi ikinatuwa ni Kapuso comedian Sef Cadayona ang pagkadamay ng kanyang pamilya sa cyberbullying, kung kaya't nilinaw na niya ang mga usap-usapang may namamagitan daw sa kanila ni Maine Mendoza.

Sa Starbites report sa GMA News "Balitanghali Weekend," inihayag ni Sef sa kanyang mga tweets na magkaibigan lang sila ni Maine at hindi sila nagde-date.

 


 


 


 


 

Mariing tinanggi ni Sef ang mga usapin na lihim daw silang nagkikita ng tinaguriang Dubsmash Queen at hiniling niyang itigil na ang pangbabash at mga haka-haka.

"Stop the hate. You are just putting hate on me and on the other person. Na hindi tama," saad ng aktor sa social media. — Jamil Santos / AT, GMA News