Naging espesyal ang selebrasyon ng 30th birthday ng Kapuso actor na si Rodjun Cruz sa Boracay dahil sa ginawang pag-propose sa kaniyang longtime girlfriend na si Dianne Medina.
Saad ni Dianne sa caption ng ipinost niyang larawan sa Instagram: "In God’s perfect time Love you."
Dati nang sinabi ni Dianne sa isang panayam na husband material si Rodjun dahil sa pagiging mabait nito at relihiyoso.
“Mabait po iyon, sobra. Alam niyo ang nagustuhan ko po sa kanya, rare kasi sa lalaki iyong religious," aniya sa nakaraang panayam.
Sa isang larawan na ipinost naman ni Rodjun, makikita na kasama niya ang pamilya sa kaniyang birthday celebration sa Boracay.
Ikinatuwa naman ni Rayver ang lalo pang pagtibay ng pag-iibigan ng kaniyang kapatid na si Rodjun at Dianne.
"Kay tagal kong inantay ang araw na toh mahal na mahal ko kayong dalawa sobra congrats guys!!!!," saad ng aktor na nauugnay ngayon sa Kapuso star na si Janine Gutierrez. -- FRJ, GMA News
