Inanunsyo na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang bibida sa upcoming Prime Video original series na "Behind Closed Doors."

Isa itong mysterious series na gagampanan ni Marian ang karakter ng isang journalist, na kalaguyo rin ng pangulo ng Pilipinas.

"Walang dahilan para mag no for this project kasi ang off-beat niya para sa akin," pahayag ni Marian sa Prime Video Philippines launch na ginanap saMakati City nitong Martes.

Ayon kay Marian, ito ang unang pagkakataon na gaganap siya na isang mistress at journalist.

"Kaya sabi ko, why not try something new for me?" sabi ni Marian. "Sobrang excited ako. Finally, after two years guys, I'm back."

Si Dominic Zapata ang magdedirek ng serye, na sabik na makatrabaho muli si Marian.

Huling bumida si Marian sa GMA Prime series na "My Guardian Alien" at sa Cinemalaya film na "Balota."

 

 

-- Nika Roque/FRJ GMA News