Engaged na sina Kapuso actor Rodjun Cruz at kanyang girlfriend of 10 years na si Dianne Medina.

Sa kaarawan mismo ni Rodjun nitong ika-10 ng Oktubre, sinagot siya ni Dianne sa kanilang trip to Boracay.

 

ADVERTISEMENT

"Ang pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayong kaarawan ko ay ang matamis mong oo!" caption ni Rodjun sa kanyang Instagram.

"On your birthday, let me remind you once more that my heart belongs to you," saad ni Dianne sa Instagram para kay Rodjun, kasama ang isa pang birthday greeting kung saan nagpasalamat siya sa aktor sa kanilang pinagsamahan.

 

 

"In God’s perfect time" caption ni Dianne sa isa pa niyang Instagram post, kung saan lumuhod sa kanya si Rodjun na hawak ang engagement ring.

Read: Rodjun Cruz, crush na si Dianne Medina nang una pa lang makita sa TV.

Focused man sa kanilang trabaho at career, dati nang pinag-uusapan ng dalawa ang plano nilang magpakasal. — AT, GMA News