Lumipad na patungong Japan ang bagong kasal na sina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan para sa kanilang honeymoon. 

Ibinahagi ni AiAi ang isang video kung saan makikita silang nagtatampisaw sa niyebe ni Gerald. "Thank you LORD nakaka experience kami ng ganito and nakakapunta kami sa ganitong lugar kahit sobrang lamig naka higa na din ako sa snow," aniya.

 

Ngunit tila nagbabakasyon, hindi nalimutan ni AiAi at Gerald ang pagsisimba at ang simula ng Misa de Gallo. 

Muling ipinabatid ni AiAi ang kaniyang pasasalamat sa kanilang pagbisita ni Gerald sa Meguro Catholic Church. Ito ang unang Simbang Gabi nila bilang mag-asawa at umaasa si AiAi na mabuo nila ang novena. 

 

 

Ikinasal si AiAi at si Gerald sa Christ the King, Green Meadows, Quezon City nitong Martes. — AT, GMA News