Matapos na magkasama sa Kapuso series na "Someone To Watch Over Me," muling magtatambal sa proyekto sina Tom Rodriguez at Lovi Poe para sa pelikulang "The Significant Other."

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing masaya si Lovi na makatrabaho niyang muli si Tom na paborito umano niyang kaeksena.

"It's always good working with Tom kasi he's such a gentleman talaga. You won't feel that he is taking advantage of anything, of a woman," anang aktres na napapanood ngayon sa Kapuso series na "The One That Got Away."

Sa pelikula, gagampanan ni Lovi ang papel ng isang model na itatago ang marital status nila ni Tom dahil sa pangamba na baka maapektuhan ang kaniyang career.

Naalala raw ni Lovi ang pinagsamahan nilang GMA soap na "Someone To Watch Over Me" na mag-asawa rin ang kanilang role.

"Talagang na-develop 'yung relationship namin as co-actors and talagang du'n ko nakita na paborito ko talaga siyang kaeksena," sabi ni Lovi.

Samantala, maliban sa pelikula, busy rin si Tom sa ginawa niyang bagong Kapuso series na "The Cure" kung saan kasama niya sina Jennylyn Mercado at Jaclyn Jose.

"We're barely on our second week taping yet I really have to get over my fear. Kasi sobrang iniidolo ko 'yung mga katrabaho ko," anang aktor.

Hindi rin mapigilan ni Tom na ma-excite para sa "The Cure" na ibang-iba raw ang konsepto.

"Sobra, for free tv, I find it a very novel concept," aniya. "Gginagawan namin lahat ng makakaya namin para makapagbigay sa kanila ng isa na namang nakakaantig and at the same time heart-fuelling, adrenalin-pumping na show." -- FRJ, GMA News