Ini-enjoy daw ngayon ni Glaiza de Castro ang kaniyang pagiging single, at ginagamit din ang pagkakataon para mas makilala ang sarili.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing ipinakita ni Glaiza sa kaniyang show na "Third Wheel," nitong Valentines day na lang dapat para sa mga may partner ang Araw ng mga Puso.
"Yung Valentines hindi lang about romance, hindi lang siya about going into a relationship, being happy with someone," sabi ng actress-singer.
"It's also about family. 'Yung love ng pamilya mo sa 'yo, 'yung love ng mga kaibigan mo," dagdag niya.
Ini-enjoy daw ni Glaiza ang kaniyang pagiging single, na pagkakataon daw para mas makilala ang sarili.
Pero mayroon daw siya ngayong "options" na hindi na niya idinetalye.
Sabi pa ni Glaiza, "Ngayon natutuwa ako na I'm able to somehow find that balance and kahit na gaano ka busy nagme-make time ako for family. Magme-make time ako for myself. tapos mare realize ko na ang saya ng naging week ko."
Samantala, time-out muna sa limelight ang Dantes family at sa beach nag-spend ng Valentine's day sina Dingdong, Marian at Zia.
Hindi nawala ang sweet at kulitan ng mag-asawa, habang napa-wow din ang mga netizen sa fit and sexy beach bod ng Kapuso primetime queen. -- FRJ, GMA News
