Nilinaw ng "Kambal, Karibal" star na si Bianca Umali na wala siyang nais na ipakahulugan sa kaniyang sexy beach photo na ipinost niya sa Instagram dalawang araw matapos ang kaniyang 18th birthday. Ano naman kaya ang masasabi ng ka-love team niyang si Miguel Tanfelix?

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing mainit na pinag-usapan ng netizens ang naturang Instagram post ni Bianca na naka-two-piece swimsuit habang nasa isang sa beach sa Sorsogon.

LOOK: Now 18, Bianca Umali welcomes summer with this two-piece photo

Ang ilang nagkomento sa larawan, naniniwala na isang paraan iyon ng selebrasyon ni Bianca ngayong nasa 18 na siya.

Pero paliwanag ng magandang aktres, "Wala naman po akong ibig sabihin doon, tito Lhar."

Dagdag niya, "'Yung sinasabi na porke't eighteen na and all but nagkataon lang po talaga; na I turned 18 and then we were at the beach and then that photo happened. Then I posted it."

Nang hingan ng reaksyon sina Miguel at Kyline Alcantara na co-star ni Bianca sa "Kambal, Karibal," tungkol sa larawan, sabi ni Kyline, "Normal picture lang. Pero iba 'yung epekto sa amin eh, iba siya."

Sabi naman ni Miguel, "Maganda. Crush ko siya. Speechless."

Samantala, sinabi ng tatlo na mas lalo pang titindi ang mga tagpo sa serye.

"Maraming mangyayari kay Diego like ngayon, ipapalabas ngayon 'yung prom date na ka-date niya si Cheska at ka-date ni Crisan si Makoy," ani Miguel.

"Ang dami pong mangyayari, ang dami po naming ginawa ni Ky," saad ni Bianca. -- FRJ, GMA News