
Marami ang humanga sa magandang hubog ng katawan ni Bianca Umali nang mag-post siya sa Instagram ng kaniyang larawan na naka-bikini habang nasa beach. Dahil dito, hindi maiwasan na ilang nakakita sa larawan na mag-isip na baka naghahanda nang sumabak sa sexy pictorial o daring roles ang Kapuso star.
Sa ulat ni Ruel Mendoza sa PEP.ph, nilinaw ni Bianca na ang pag-post niya ng photo na nakasuot ng bikini ay hindi nangangahulugang magpapaka-daring na siya.
“There are comments na parang, ‘Uy, porke't nag-18 na, post na agad ng ganyan, nagpapakita na siya ng katawan.’
“Hindi naman po ganun iyon.
“Ang nangyari po kasi, nagkataon lang na I turned 18 and then we were at the beach, 'tapos nagandahan po ako sa photo kong iyon, kaya ipinost ko sa Instagram.
“Para po sa akin, it’s just a regular photo na ipo-post ko sa Instagram.
“I never thought na bibigyan nila ng ibang interpretation ang photo kong yun."
Kuwento pa ni Bianca, “We were in Sorsogon kasi ikinasal yung kapatid ko.
“Since nasa beach po kami, proper place naman yun to wear a swimsuit.
Sinabi rin ni Bianca na wala rin siyang balak na mag-pose para sa men's magazine.
“Wala po akong balak to pose for a men’s magazine or to be daring sa mga next project ko. Wholesome pa rin po ako.
“Isang photo lang naman po iyon na naka-bikini ako at salamat nang marami sa mga nag-like at nag-post ng magagandang comments,” saad niya.
Itinanggi rin niya na ang usap-usapang nagparetoke siya ng mukha at katawan.
May ilang netizens kasi ang nag-comment na sobrang tangos ng ilong ni Bianca na para raw niretoke ito.
Sabi ng Kambal Karibal star, “It’s all natural.
“Hindi ko alam kung paano nila nasasabi yun, but I am confident and I am proud na it's all natural.
“Everything I have, siguro yung sinasabi nilang magandang katawan ko, pinaghirapan ko yun, inaalagaan ko yun.”
Inintriga pa ang 22-inch waistline ni Bianca na para raw dumaan ito sa liposuction.
Pero paliwanag ng dalaga, na-achieve niya ang kanyang katawan ngayon dahil sa disiplina at tamang workout sa gym.
Nagsimula raw mag-gym si Bianca nang gawin niya ang telefantasyang "Mulawin Vs. Ravena" noong 2017.
Simula nun ay naging part na ng lifestyle ni Bianca ang pagwo-workout.
Aniya, “I have a trainer. Aside from that, of course, discipline sa workout and sa food na ini-intake ko.
“Madalas ko pong makasama sa gym ang mga fitness buddies ko na sina Miguel Tanfelix, Rodjun Cruz, at Marco Alcaraz.”
Patuloy ng young actress, “Kapag wala sila kapag nagwo-workout ako mag-isa minsan, ang lungkot.
“Kapag kasama ko sila, kapag kasabay ko yung coach ko, which is si Coach Dan, iba yung drive.
“Mas marami akong nagagawa. Mas naeengganyo akong mag-workout.”
Humarap si Bianca sa media noong March 10, sa GMA Network Center, para sa kanyang nalalapit na 18th birthday party na Simply Bianca. Gaganapin ang kaniyang debut sa EDSA Shangri-La Hotel, Quezon City, sa March 17. -- For the full story, visit PEP.ph
