Naghahanda para magpasaya ng mga Kapuso abroad si "Pambansang Bae" Alden Richards sa gaganaping "Sikat Ka, Kapuso!" sa America at Canada sa Abril.

Makakasama ni Alden ang iba pang pinakamalalaking Kapuso stars tulad nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Lovi Poe, at Betong Sumaya.

 

Para sa preparasyon, sumailalim na si Alden sa ilang rehearsals.

 

Sa Star Bites report ni Lhar Santiago sa GMA News "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabing break muna sa trabaho si Alden, na magbabakasyon kasama ang pamilya sa isang beach trip ngayong Holy Week.

Matapos ang show niya sa abroad, dadalo naman si Alden sa workshop ng acting coach na si Anthony Bova sa New York.

"Gusto ko po 'yung eagerness ko po, 'yung passion ko po sa pag-acting lalong lumalim."

Pero bago nito, magbabakasyon muna si Alden sa beach kasama ang kaniyang pamilya ngayong Holy Week.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News