Ikinuwento ni "Mars" host Camille Prats ang nasaksihan niya kung gaano kabait sa fans ang "Pambansang Bae" na si Alden Richards na labis niyang hinangaan.

Sa segment na "Grab a Box" ng programa, sinagot ni Camille ang tanong na, "Kung magagamit ko lang ang whistle na ito, I would call ______'s attention para sabihin sa kaniya na siya ay..."

Dito na sinabi ni Camille na si Alden ang kaniyang napili.

"I will call Alden's attention, para sabihin na siya ay napaka-accommodating," anang TV host-actress.

Ayon kay Camille, saludo siya kay Alden dahil personal niyang makita kung gaano pinagbigyan ng aktor ang nagpa-video greet ng fans.

"I remember when we guested him here on 'Mars,' siguro nakamahigit isandaang video greetings siya for different people and he was always welcoming," sabi ni Camille.

Dagdag pa niya, hindi gaya ng ibang maraming video greet na paulit-ulit ang sinasabi ng mga bumabati, si Alden, iba-iba raw kaya lalo pa siyang bumilib.

Panoorin ang komento ni Camille kay Alden.

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment


--Jamil Santos/FRJ, GMA News