Si Alden Richards muli ang naisip na pangalan ni Camille Prats sa isang segment ng programang "Mars" nang mapunta sa kaniya ang tanong kung sino sa tingin niya ang tao na hindi na magbabago ang ugali kahit matapos na ang mundo.
"Si Alden Richards," sambit ni Camille. " 'Di ba nung nagsisimula siya ganun na siya, ngayon na nasa rurok siya ng kaniyang karera hindi siya nagbago. Feeling ko he will remain the same."
Pahabol pa ng host, "I'm a fan. Nakakatuwa kasi siya [Alden].
Kamakailan lang, ikinuwento rin ni Camille sa programa sa segment na "grab a box" nang personal niyang makita kung papaano makitungo si Alden sa fans na labis niyang hinangaan.
"I remember when we guested him here on 'Mars,' siguro nakamahigit isandaang video greetings siya for different people and he was always welcoming," sabi ni Camille.
Dagdag pa niya, hindi gaya ng ibang maraming video greet na paulit-ulit ang sinasabi ng mga bumabati, si Alden, iba-iba raw kaya lalo pa siyang bumilib. (Read: Camille Prats, nasaksihan daw ang kabaitan ni Alden Richards sa fans). -- FRJ, GMA News
