Marami pa raw pasabog na dapat abangan sa Kapuso hit primetime series na "Kambal, Karibal," na kinabibilangan ng mga young stars tulad nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Pauline Mendoza at Kyline Alcantara.
Ayon kay Kyline, may mga bagong karakter na papasok sa serye kabilang na isang tao na may mahalagang koneksyon sa buhay ni "Cheska," ang role na kaniyang ginagampanan.
Sa isang ulat, sinabing magiging bahagi na rin ng serye ang aktres na si Sunshine Dizon na gaganap na tunay na ina ni Cheska.
Dahil mahaba-haba na rin ang itinatakbo ng serye, parang pamilya na raw ang turingan ng cast members sa isat isat
Kuwento ni Miguel, mahilig silang mag-picture taking at kung minsan ay nag-uusap-usap sila kung anong kulay ang kanilang magiging kasuotan sa isang araw para sa kanilang group picture.
Sabi ni Alfred Vargas sa samahan ng cast members ng serye, "Yung chemistry yung actors, kaming lahat nagsama-sama kami. Mahirap kasing maabot 'yon, mahirap magkaroon ng ganung klaseng chemistry and I think dito sinuwerte kami."
Ayon kay Kyline, naghahanap sila lagi ng pagkakataon na makapag-bonding tulad sa oras ng kainan o break time kung saan nagkakatahan din sila.
Pagdating sa young stars ng "Kambal, Karibal," inihayag ni Alfred ang paghanga sa mga ito.
"Sa tingin ko sila talaga yung future ng industriyang ito," aniya. "At the very young age napaka- professional nila at mayroon talaga talent." -- FRJ, GMA News
