Inihayag ni Jackie Forster ang labis na kasiyahan at hindi napigilang maging emosyonal dahil sa tuwa sa pagkakaayos nila ng mga nawalay na mga anak na sina  Andre at Kobe Paras.

Sa "Chika Minute" exclusive interview ni Nelson Canlas, sinabing ngayon lang muling nagpaunlak ng panayam si Jackie matapos ang madamdamin nilang pagbabati ng mga anak niya kay Benjie Paras na sina Andre at Kobe.

Ayon sa dating aktres na nagbabakasyon ngayon sa Pilipinas, matagal niyang ipinagdasal na maghilom ang relasyon niya sa mga anak at maging kay Benjie.

"For me to be able to say that, Nelson, you don't have any idea. Ask Kobe he'll tell you, like I'm so confident," saad ni Jackie sabay pahid ng luha.

"Oh my God naiiyak ako. But now it's tears of joy. I can really say, I have permission to speak about them and stuff. It feels really, really nice," patuloy niya.

Ngayong maayos na ang lahat sa kanila, hindi na raw mahalaga para kay Jackie ang iisipin ng ibang tao.

"Before, yes, I would care how people would think. Now, I just care what my children think. When Kobe says like I forgive my mom, it's more, he didn't understand before why I had to leave their dad. So that's what he forgives me for," ayon kay Jackie.

Dagdag niya, "I have no issues for years already. I would tell people that we're connected also to him, to Benjie and his family. I'm happy, I'm ok. I've never needed anything from them except my children."

Wala raw ibang hangad si Jackie kung hindi ang mahabol ang mga pnahon na nawalay siya sa kaniyang dalawang anak at ini-enjoy ang panahong nakakasama niya ang mga ito.

Sa ngayon kasi, sa London na naka-base si Jackie kasama ang asawa at mga anak na sina Jared, Yohan, at Caleigh.

"I'm taking it easy. I'm taking it as it is. I mean, I have a full plate anyway. I have three kids that I'm taking care of and my husband. I mean life is good. It's not like before you know when I didn't have them. I felt like I needed them, I felt so empty," saad niya.

Masaya ring ibinalita ni Jackie na maayos na ang kalusugan ng kaniyang only daughter na si Caleigh na na-diagnose noon ng juvenile leukemia.

"Caleigh's great. She's four years in remission. She's in perfect condition, she's healthy, bright and talented girl," kuwento niya.

Dumating sa bansa si Jackie kasama ang mga anak noong isang linggo at babalik sa London sa Agosto.

Kung magkakaroon umano ng oportunidad ang kaniyang pamilya, may posibilidad daw na sa Pilipinas na lang sila maninirahan. --FRJ, GMA News