Sa isang pocket presscon, isiniwalat ng "StarStruck" alumna na si Nathalie Hart, na apat na buwan na siyang buntis.

Sa artikulong isinulat ni Arniel Serato sa PEP.ph nitong Miyerkoles, sinabing nagulat ang showbiz press nang sabihin ng aktres na may hinahabol na silang petsa ng kanyang Indian boyfriend para sa kanilang kasal na planong gawin sa darating na Disyembre.

"Mayroon nang laman... four months na ako," sabi ni Nathalie, na unang nakilala bilang si Princess Snell.

"Lalabas din naman ito. Pero maliit yung tiyan ko for four months,” dagdag niya.

Sa nakarang panayam, sinabi ni Nathalie na maunawaan ang kaniyang nobyo sa kaniyang trabaho at kung minsan ay isinasama niya sa shooting at taping.

“For me, it's important rin na ipakita ko rin kung anong ginagawa ko, what’s behind the scenes, at saka kung paano ako mag-interact with the people I work with," paliwanag niya.

Patuloy niya, “Hindi lang siya parang masasabi na, ‘Okay, kissing scene, may partner ka, gumagawa ka ng pelikula, iba-ibang partner mong lalaki…’

“Hindi naman ibig sabihin nun, pinagpapasa-pasahan ka na or something.

"It’s just that you’re playing a character. He has to understand that that character and you is different." -- For more showbiz news, visit PEP.ph