Aminado ang 33-anyos na si Roxanne Barcelo na kahit siya na taga-showbiz ay hindi raw ganun kadaling makahanap ng partner in life.
Sa ulat ni Rachelle Siazon sa PEP.ph, sinabing medyo naiinip na siya dahil halos isang taon na raw siyang single.
Ang huling naging boyfriend niya ay si Will Devaughn.
Apat na taon at kalahati silang naging magkarelasyon, hanggang sa maghiwalay sila noong huling bahagi ng 2017.
Natatawang sinabi ni Roxanne tungkol sa kanyang single status, "Itong chapter na ‘to, in fairness, ang tagal!
"Ang haba ng single ako. Naiiirita ako, parang sa totoo lang.”
Pero ngayon pa lang ay inihahanda na niya ang sarili sa susunod na makakarelasyon.
Mas buo na raw sa isip ni Roxanne kung ano ang hinahanap niya sa isang long-term relationship.
“Siguro through time, na-realize ko na I just want someone who I can be happy with.
"Kasi masaya naman na ako, e. Masaya ako with my family, masaya ako with my friends.
“Someone who can just complement what’s already going on sa buhay ko.
“Ayoko nang manggugulo, ayoko ng ilalayo ako sa pamilya ko.
“Someone who would love me and accept me for who I am becoming.
"Kasi nag-iiba tayo, di ba? So yun."
Sa presscon ng Abay Babes, sinabi ni Roxanne, natutunan niya sa pelikula na walang masama kung susubukan ng single ladies na makakilala ng single guys sa pamamagitan ng dating apps tulad ng Tinder at Bumble.
“Like someone as busy as me. Tayo.
"Ang dami nating ginagawa tsaka ang dami na nating na-meet. Is love really out there still?
“I appreciate this moment kasi may Bumble, may Tinder.
"There are so many apps where hindi na tayo kailangan tumambay sa mga kung saan-saang kanto para makatagpo ng love.
“Or hindi na kailangang magsimbang-gabi tayo every night, di ba? Aminin mo yun, girl!”
Aminado si Roxanne na kahit siya na taga-showbiz ay hindi ganun kadaling makahanap ng partner in life.
“Kasi, like ako, hindi naman ako nag-o-office. Yung mga barkada ko, lahat sila they married someone they met at the office.
“So, paano ako? Asawahin ko yung love team? Very Marian, di ba?
"Parang hindi naman ganun ang buhay.
“I mean, it works for some, it doesn’t work for most of us.”-- For the full story, visit PEP.ph
