Hindi lang sa pagme-makeup mahusay ang "Eat Bulaga" Dabarkads na si Paolo Ballesteros.  Kaya rin niyang magdisensyo ng Filipiniana gown na ginamit ng isa sa mga kandidata ng Mutya ng Pilipinas.

Sa Instagram post, proud na ipinakita ni Paolo ang kaniyang obra sa isang video na suot ng rumampang si candidate no. 23 Agatha Romero.

 

 

Pero hindi pala ito ang unang pagkakataon na nagdisenyo ng gown at filipiniana si Paolo.

"I have designed gowns and filipinianas for pageants before, pero secret lang hehe. Ngayon hindi na secret  " saad ni Paolo sa hiwalay na post.

Nagpasalamat din si Paolo sa kaniyang designer friends na tumulong sa kaniya sa paggawa ng gown, at hiniling ang kaniyang best wishes kay Agatha.

"goodluck later @agatharomero and thank you den to my designer friends @ipsemira and @jianlasala @manny.halasan who helped execute this for tonight’s mutya ng pilipinas 2018 terno competition   ????"

Sa Instagram naman ni Agatha, nagpasalamat din siya kay Paolo na "honored" na isuot ang kaniyang obra.

 

 

"I am truly honored to wear this masterpiece by @pochoy_29, @jianlasala and @ipsemira. Plus, the head piece by Sir @manny.halasan. Thank you for trusting me to wear your first (known) creation, Kuya Paolo! I am so proud to see you finally rocking the fashion industry. You are a great artist, indeed.  ?" saad ni Agatha. --Jamil Santos/FRJ, GMA News