Hindi napigilan ng fans ng "Encantadia" na ma-excite at matuwa sa larawan na ipinost ni Glaiza De Castro sa kaniyang Instagram account na kasama ang mga kapwa niya "Sang'gre" sa dating Kapuso hit fantaserye.

Sa larawan na todo porma sila na tila makikipaglaban, kasama ni Glaiza sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.

Pero hindi tulad sa "Encantadia" series na mala-reyna ang kanilang kasuotan, simple ang kanilang damit at may hawak na itak si Glaiza habang may tirador naman si Sanya.

Sa comment section, marami ang nagtatanong kung para saan ang pagsasama-sama ng apat at kung magkakaroon daw ba ng bagong chapter ng "Encantadia."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Abangan ????

Isang post na ibinahagi ni Glaiza De Castro (@glaizaredux) noong



LOOK: Sunshine Dizon hints at dream project with Encantadia original Sang'gres

Pero hindi lang ang mga Sang'gre ang "Encantadia 2016" ang nagsasama-sama dahil may niluluto ring proyekto na magkakasama ang original Sang'gre na sina  Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Iza Calzado at Karylle.-- FRJ, GMA News