Matapos mapanood bilang judge sa isang contest ng "Eat Bulaga," masayang ibinalita ni Sarah Lahbati na magiging guest co-host siya sa longest running noontime show ng GMA.
"So excited to be joining Eat Bulaga as guest co host for the time being! I guess I’ll see you everyday, dabarkads!," saad ng aktres.
So excited to be joining Eat Bulaga as guest co host for the time being! I guess I’ll see you everyday, dabarkads! ??????
— Sarah Lahbati (@SarahLahbati) October 15, 2018
Nitong nakaraang Sabado, isa si Sarah sa mga naging judge sa intercluster grand finals ng "Hype Kang Bata Ka!," ang paligsaan kung saan tampok ang iba't ibang talento ng mga bata.
Dinagsa naman ng pagbati ang naturang balita ni Sarah at umaasang magtutuloy-tuloy na ang pagiging dabarkads niya. May mga nagtanong din kung magbabalik na rin kaya siya bilang isang Kapuso. -- FRJ, GMA News
