Sa kaniyang Instagram post, inihayag ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago na kakailanganin na niya ang "life saving transplant" matapos na matuklasan na mayroon siyang chronic kidney disease (CKD).

Matatandaan na nitong Agosto ay ibinalita ni Bea Rose ang pagkakaroon niya ng CKD na pinaniniwalaan niyang pinalala ng kaniyang paggi-gym.

READ: Bea Rose Santiago, ibinahagi ang karanasan sa sakit niya sa kidney

Gayunman, inamin din niya na noon bata pa lang siya ay nagkaroon na rin siya ng problema sa kaniyang bato.

READ: Bea Rose Santiago, strict na ang diet matapos ma-diagnose na may CKD

Sa kaniyang bagong IG post, sinabi ni Bea Rose na nagkakaroon na siya ng kidney failure at nagtungo siya sa Japan para humingi ng second opinion pero kompirmasyon ang kaniyang natanggap na sagot.

ADVERTISEMENT

 

 

"I was diagnosed months ago, I was in denial and thats why I left the Philippines to get a second opinion in Tokyo and when it turned out to be a confirmation. Flew right away to be with my family and my potential live donors. Yes, I will be needing a life saving transplant," saad ng beauty queen na kasalukuyang nasa Canada.

Sinabi rin ni Bea Rose na nabubuhay siya sa tulong ng makina sa pamamagitan ng dialysis.

Sa kabila nito, nananatiling positibo ang kaniyang pananaw at nagpapasalamat sa pagmamahal at suporta na kaniyang natatanggap.

"I am blessed and I will continue to spread positivity to the world," aniya "I am in a good place now but my heart isn’t. It's not easy and will only get harder!"

Sa kaniyang kalagayan, sinabi ni Bea Rose na hindi siya humihingi ng simpatiya. Bagkos, nais niyang magbahagi ng impormasyon sa iba. Iginiit niya na dapat magpakonsulta at magpasuri kapag may kakaibang naramdaman.

"At 16 I had IGA Nephropathy stage 1. I suffered from UTI’s when I was younger, food poisoning and stress. Apparently its genetics and popular in Asians, so please get checked!," payo niya.

" I suffered no symptoms! Symptoms started after my diagnoses and then the excess water in my body disappeared after and then was stable. Still it wasn't enough I needed to dialyze. So please please when u feel weird and off, go get yourself checked," pahabol na saad ni Bea Rose.--FRJ, GMA News