Ilang araw matapos ang kasal nila ng kaniyang long-time partner na si Fadi El Soury, nag-post si Lotlot de Leon sa kaniyang Instagram account tungkol sa relasyon nila ng kaniyang inang si Nora Aunor, na kapansin-pansin na wala sa kaniyang kasal.

READ: Lotlot de Leon, ikinasal na sa Lebanese fiancé na si Fadi El Soury

"Maraming beses ko pinag isipan kung dapat pa ba akong magsalita tungkol sa mga personal na nangyayari sa amin ng mommy ko. Naisip ko na cguro dapat hindi na dahil may masabi man ako na maganda ay hahanapan pa din ako ng pagkakamali pero naisip ko na hindi ko naman ito ginagawa para sa iba kundi para sa akin at sa aking ina," bahagi ng mahabang caption ni Lotlot sa larawan nila ng ina noong bata pa siya.

Ayon sa aktres, maaga niyang nalaman na ampon lang siya ng Superstar, at tinatanaw niyang malaking utang na loob ang kaniyang buhay sa kaniyang kinikilalang ina, at sa kaniyang lola.

READ: Lotlot de Leon reunites with her American family in the U.S.

"Sa mga hindi nakakaalam ang tumanggap sa akin ay ang lola ko..siya ang dahilan kung bakit napunta ako sa kanila. Tinanggap nila ako ng buong puso. Nang magkakilala si mommy at daddy inako ako ng daddy ko at ginawang De Leon," pagbahagi ni Lotlot.

"Ang mommy ko ang bread winner sa pamilya nag sumikap na iahon lahat ng mahal nya sa buhay. Nakasanayan naming magkakapatid na lage syang nag tratrabaho. My mom has been through a lot in her life," patuloy ng aktres.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maraming beses ko pinag isipan kung dapat pa ba akong mag salita tungkol sa mga personal na nangyayare sa amin ng mommy ko. Naisip ko na cguro dapat hindi na dahil may masabi man ako na maganda ay hahanapan pa din ako ng pagkakamali pero naisip ko na hindi ko naman ito ginagawa para sa iba kundi para sa akin at sa aking ina. Maaga ko nalaman na ampon ako, "ampon ni nora" yan ang madalas ko naririnig nuon. Utang na loob ko ang buong buhay ko sa kanila ni lola. Sa mga hindi nakakaalam ang tumanggap sa akin ay ang lola ko..sya ang dahilan kung bakit napunta ako sa kanila. Tinanggap nila ako ng buong puso. Nang magkakilala si mommy at daddy inako ako ng daddy ko at ginawang De Leon. Ang mommy ko ang bread winner sa pamilya nag sumikap na iahon lahat ng mahal nya sa buhay. Nakasanayan naming magkakapatid na lage syang nag tratrabaho. My mom has been through a lot in her life. Nakita ko at witness ako sa lahat ng pinagdaanan nya. Matibay sya. Kahit kailan hindi nya ipinakita sa aming magkakapatid na nawalan sya ng pag asa sa buhay kahit alam namin na nasasaktan sya. She is the most generous person I know. Pagdating sa relasyon namin sa kanya. Mommy sya. She tried her best to do her duties as a present mom. Nung nag ka pamilya ako tsaka ko lang naintindihan ang mga payo at sakripsyo na ginawa din nya. Kaya lahat din ng kaya ko, binigay ko. Lage nyang bilin mag mahalan kame magkakapatid at yun ay ginawa ko sa abot ng aking makakaya. Hindi ko na ididitelaye ang mga kaganapan sa buhay namin. Pero kung may tao mang importante na gusto ko din maging bahagi sa mahahalang okasyon sa buhay ko at buhay ng mga anak ko ay sya. May mga bagay na mahirap ipaliwanag pero sa isang parte lang ako sigurado. Mahal ko sya at alam ko mahal nya din ako kame ng mga kapatid ko. At kahit ano pa sabihin ng kung sino kame ang mag ka pamilya, kame ng mga kapatid ko at sya, at walang sino man ang makapagbabago duon. ?

A post shared by Balotski ?????????? (@ms.lotlotdeleon) on


Batid daw ni Lotlot ang katatagan at mga sakripisyong ginawa ni Nora para sa kanilang magkakapatid. Nagsikap din umano ang beteranang aktres na gampanan ang tungkulin nito bilang ina para sa kanilang magkakapatid.

 

"Pagdating sa relasyon namin sa kanya. Mommy sya. She tried her best to do her duties as a present mom. Nung nag ka pamilya ako tsaka ko lang naintindihan ang mga payo at sakripsyo na ginawa din nya. Kaya lahat din ng kaya ko, binigay ko," ani Lotlot.

Hindi idinetalye ni Lotlot kung mayroon man hindi pagkakaunawaan sa kanilang mag-ina pero binigyan-diin ng aktres na nais niyang makasama ang kaniyang ina sa mga mahahalagang pangyayari sa kaniyang buhay at sa kaniyang mga anak.

"Hindi ko na ididitelaye ang mga kaganapan sa buhay namin. Pero kung may tao mang importante na gusto ko din maging bahagi sa mahahalang okasyon sa buhay ko at buhay ng mga anak ko ay siya," sabi ni Lotlot.

"May mga bagay na mahirap ipaliwanag pero sa isang parte lang ako sigurado. Mahal ko sya at alam ko mahal nya din ako kame ng mga kapatid ko. At kahit ano pa sabihin ng kung sino kame ang mag ka pamilya, kame ng mga kapatid ko at sya, at walang sino man ang makapagbabago duon," pagtatapos ng aktres.

May hiwalay din na post si Lotlot ng larawan na kasama ang kaniyang  ama na si Boyet de Leon habang isinasayaw siya sa kaniyang kasal.

"I still remember clearly how you stood up there in the crowd watching me perform in preschool and I saw you and how I felt proud that my dad was there watching me. You never stopped loving and caring for me. You have always been there. Always," saad ni Lotlot sa caption ng larawan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I still remember clearly how you stood up there in the crowd watching me perform in preschool and I saw you and how I felt proud that my dad was there watching me. You never stopped loving and caring for me. You have always been there. Always. Everything that I am and hope to be is because of the love and lessons that I have learned from you. Growing up with you is one of the many things I will always be grateful for. You have taught me to believe in myself, you have encouraged me in ways you can't imagine to do better and to be the best version of myself. Nobody has ever believed in me like you do. You have always been present in my life. Thank you dad. I love you!

A post shared by Balotski ?????????? (@ms.lotlotdeleon) on

 

Bahagi rin ng naturang caption na mensahe niya sa ama," Nobody has ever believed in me like you do. You have always been present in my life. Thank you dad. I love you!"

--FRJ, GMA News