Bibida ang comedian at "Eat Bulaga" dabarkads na si Jose Manalo sa pelikulang "Boy Tokwa: Lodi ng Gapo," na batay sa kuwento ng buhay ng isang "con artist."
Base ito sa tunay na kuwento ni Rodrigo Morelos a.k.a. Boy Tokwa, isang con artist na nangangarap makapunta ng Amerika.
Dadalhin siya ng kaniyang pangarap sa Olongapo kung saan gagamitin niya ang talino at galing sa baraha para mabuhay at kumita ng pera.
Lagi niyang puntirya ang mga foreigner at mamahalin siya ng mga tao ng Olongapo dahil sa kaniyang pagiging magandang ugali, mapagbigay at tapat na kaibigan.
Sa kaniyang pananatili sa Olongapo, makikilala at liligawan ni Boy ang US Naval officer na si Patricia Woods, na kaniyang magiging asawa at magkakaroon sila ng isang anak.
Ngunit mahaharap sa problema ang relasyon nina Boy at Patricia.
Kinalaunan, magpupunta ng Pilipinas ang apo niyang si Andy Morelos Woods para hanapin ang katotohanan tungkol sa kaniyang lolo Boy.
Idinerek ni Tony Y. Reyes, ito ang pinakaunang feature film presentation ng VST Productions at id-distribute ng Axinite Digicinema.
Kasama rin sa "Boy Tokwa" sina Joey Marquez, Karel Marquez, Allan Paule, Buboy Villar at Gian Sotto.
Ipalalabas ang "Boy Tokwa" na sa Enero 8, 2019.-- FRJ, GMA News
