Ilang celebrity ang kumasa sa nauuso ngayong #HowHardDidAgingHitYou? o #10YearChallenge, kung saan ipinakita ang kani-kanilang luma at bagong larawan.

Sa kani-kanilang social media account, ipinost ng ilang celebrity ang dalawa nilang larawan na 10 taon o higit pa ang pagitan para makita kung ano ang naging pagbabago sa kanilang hitsura.

Kabilang sa mga kumasa sa challenge sina Sunshine Cruz, Lyn Ching, mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania, Ruffa Gutierrez, Marc Abaya, Angelu de Leon, Rachel Alejandro at Geneva Cruz.

 

ADVERTISEMENT

 

--FRJ, GMA News