Kinilig ang fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa naging reaksyon ng aktor sa Instagram post ng aktres na hitsurang tomboy sa isang episode ng "Magpakailanman."

Sa naturang episode ng "Magpakailanman" na ipinalabas nitong nakaraang Sabado, ginampanan ni Jennylyn ang role bilang tibo na kinalaunan ay iibig sa isang lalaki.



Sa larawan na ipinost ni Jen, makikita ang astig na porma ng aktres na nakasuot ng sombrero o cap.

 

ADVERTISEMENT

 

Kasama ang kaniyang nobyo na si Dennis sa mga nag-post ng komento sa larawan at binati niya ang aktres ng, "Hi pogi" na may asamang emoji na puso ang mga mata.

Sinagot naman si Jen ng, "pakiss bro!" na may emoji kiss naman.

Natuwa ang mga follower ng aktres sa palitan na iyon ng magkasintuhan na tinawag nilang sweet.

Samantala, bukod sa mga pelikula, nakalinyang gawin ni Jennylyn ang upcoming Kapuso series na "Luv U 2", kung saan makakatambal niya si Gabby Concepcion. Kasama rin dito ang bagong Kapuso na si Kiray Celis.

Pinaghahandaan din ni Jen ang pagsali sa isang marathon sa Japan  na idaraos sa November, itinuturing niyang malaking challenge.

 

 

-- FRJ, GMA News