Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," nagbigay ng mga payo ang mag-asawang Chynna Ortaleza at Kean Cipriano sa mga nagbabalak magpakasal. Kabilang sa tinanong sa dalawa kung aprub ba sa kanila o hindi ang makasama sa bahay ang kanilang mga in-laws.

Tungkol sa pagpapakasal at honeymoon, 'di aprub kina Kean at Chynna ang pangungutang para lang magkaroon ng magarang kasal o bonggang honeymoon.

Inilahad ni Kean na "live within your means" dapat, at mas makabubuting pag-ipunan ang kasal. Si Chynna naman, nagpayo na huwag magpa-pressure sa social media, patungkol sa mga ipo-post.

"Sa totoo lang, ang importante naman diyan, is 'yung kasal, tsaka si Lord, at kayong dalawa," anang aktres.

Kuwento pa ni Chynna, mayroon silang joint bank account ni Kean para sa kanilang budget, ngunit bukod dito, may sari-sarili rin silang accounts.

Magkaiba naman ang kanilang pananaw pagdating sa usapin ng pagpalo sa anak bilang pagdesiplina.

Pagdating sa mga biyenan, sinabi ng mag-asawa na mahal nila at masuwerte sila sa kanilang mga in-law pero mas gusto nila na nakabukod. Kung bakit, alamin ang kanilang paliwanag sa video na ito.

Click here for more GMA Public Affairs videos:


--FRJ, GMA News