Mula nang mag-viral sa social media ang kaniyang larawan habang pasan-pasan at inilalako ang panindang ice drop, marami na ang humahanga kay Mang Christopher dahil sa kaniyang katatagan at pagiging positibo sa buhay. Ang kaniya palang idolo, ang fighting senator na si Manny Pacquiao na katulad daw niyang bumangon at bumawi mula sa kabiguan.
KILALANIN: Amang naglalako ng ice cream kahit putol ang binti para sa pamilya, hinangaan
Makaharap kaya ni Mang Christopher ang kaniyang idolo na itinuturing niyang national hero, the best at pinakamatibay na manlalaro, matapos na siya ang mapalad na napili ng "Day Off" at nabigyan ng bakasyon? Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
