Naging mas "mature" at maingat na raw sa kanilang kilos si Golden Cañedo mula nang maging first ever "The Clash" grand champion. Kabilang na dito ang pag-iwas niya na mag-post ng mga negatibo sa social media.
Golden Canedo to release “Tayo Pa Rin” this Saturday, March 30, on Apple Music, Spotify and oher digital stores worldwide. Music video to appear on YouTube Premier on GMA MusicOfficial. @gmanews pic.twitter.com/ilaf1xmFPl
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) March 29, 2019
"Naging matured po ako. Hindi na po ako tulad noon na hindi iniisip kung ano 'yung mga ginagawa ko. Ngayon po, more on parang, iniisip ko po muna talaga kung ano po 'yung ginagawa ko kaysa noon na mga actions," sabi ni Golden sa media conference ng bago niyang release na single na "Tayo Pa Rin."
Ayon sa 16-taong-gulang na singer mula sa Cebu, mas gusto niya nang magbigay ng positivity sa kaniyang fans at audience.
"Sa mga social media, hindi na po ako nagpo-post ng bad na quotes, kaya nagbibigay na lang po ako ng mga quotes na pam-positive kasi parang nakikita ko sa lahat ng tao depressed. So nagbibigay po ako ng light din sa kanila," ayon kay Golden.
Kasabay nito, hindi pa rin daw siya lubos na makapaniwala na bahagi na siya ng showbiz.
"Ngayon po, parang nasa 85% na po na nag-sink in sa utak ko na, 'Nandito na ako, gising na!' nandito ako sa showbiz world, 'yung ikaw na 'yung nanalo. Kasi po may panibagong 'The Clash,'" saad niya.
Dati nang inihayag ni Golden na mababa ang confidence niya sa sarili, pero patuloy niya itong nilalagpasan.
"Hindi naman po magtatagal ang tao talaga sa industry na ito. So parang kailangan ko pa pong i-push, para sa akin, kailangan pa po talagang i-push 'yung sarili ko. Maghahanap po ako ng identity ko as Golden."
Naniniwala si Golden na ito ngayon ang "perfect timing" niya na maging successful bilang isang singer.
"Time ko po na mabigyan po ako ng bagong kanta, na manalo po ako, kaya pinagbubutihan ko po talaga para at the end, tatatak po talaga sa mga tao,"
Bagong single
Inilabas na ni Golden Cañedo ang ikalawa niyang single na "Tayo Pa Rin."
“The Clash” champion Golden Canedo sings her second single “Tayo Pa Rin.” @gmanews pic.twitter.com/SttdJyEVX6
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) March 29, 2019
Umere ito exclusively sa Barangay LS FM noong nakaraang Sabado, at nakatakda na ring i-release sa Apple Music, Spotify at iba pang digital stores worldwide.
Nakatakda ring ipalabas ang YouTube Premiere ng music video ng "Tayo Pa Rin" sa Marso 30 sa GMAMusicOfficial channel.--FRJ, GMA News
