Marami ang humahanga sa kagandahan at talento ng Kapuso leading lady na si Sanya Lopez. Pero hanggang ngayon pala, hindi pa nagkakaroon ng nobyo ang aktres na bibida sa upcoming teledrama  na "Dahil Sa Pag-ibig."

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing may mga artistang lalaking nagpahayag ng paghanga kay Sanya at nagpaparamdam na may gusto sa kaniya.

Pero wala pa rin daw sa isip ni Sanya na pumasok sa isang relasyon.

ADVERTISEMENT

"Sa ngayon kasi parang ang hirap isingit po eh, para sa nangyayari ngayon, parang mas thankful na lang muna akong may ganitong blessing," ayon sa aktres.

Itinuturing ni Sanya na malaking blessing ang pagdating ng bago niyang seryeng

"Dahil sa Pag-ibig," kung saan co-star niya si Wyn Wyn Marquez.

Mas mature daw ang kaniyang karakter sa serye kung saan magpapatalbugan sila ni Wyn sa paseksihan.

"Kinakabahan ako kasi siyempre Wynwyn 'yan eh, Hispano-Americana 'yan," patungkol ni Sanya sa beauty title ni Wynwyn. "Nagwo-work-out pa rin ako. I'm doing intermitent fasting and, at the same time, pinipilit kong pag-aralan kung ano pa 'yung dapat mas ibang atake kay Mariel."

Bukod sa paseksihan, asahan din daw ang matinding banggaan at pisikalan ng mga karanter nila ni Wynwyn.

"Mas maraming sapakan daw," natatawa niyang sabi. "Pero mas marami siyang... mas intense 'yung labanan, 'yung mga eksena."

Magsisimulang mag-taping si Sanya ngayong linggo pero sa magbabakasyon daw sila ng kapatid niyang si Jak Roberto at Barbie Forteza sa Japan sa Holy Week.-- FRJ, GMA News