Desidido si Kim Domingo na talikuran na ang pagpapa-sexy sa TV at movie projects.  Pero paglilinaw niya, walang kinalaman ang kaniyang boyfriend sa kaniyang desisyon.

Sa artikulo ni Arniel C. Serato sa PEP.ph, sinabi ng Kapuso actress na napagtanto niya na mas gusto niyang makilala bilang serious actress.

Saad ni Kim, "Oo, sinabi ko na rin naman po sa management na kung hanggang saan na lang yung kaya ko.

"Kahit sa Bubble Gang, kasi ang Bubble Gang, siyempre kailangan talaga dun, pa-sexy ka.

"'Tapos meron akong Patikim ni Kim [segment], which is may double meaning naman talaga yung ginagawa ko dun.

"So, medyo in-adjust na rin po yun.

"Hindi, sila na rin po ang nag-decide na, 'Sige iano na lang natin, itigil na lang muna natin yun, gagawan ka na lang namin ng ibang segment,'" kuwento ni Kim.

Bagaman aminado si Kim na maaaring mabawasan ang iaalok sa kaniyang proyekto sa pagtigil niya sa pagpapa-sexy, sinabi niya na naihanda na niya ang kaniyang sarili.

"Kumbaga, ni-ready ko na rin yung sarili ko na, sabi ko, 'Dumating man yung panahon na yung [mga ginagawa ko] unti nang mawawala at the end, naging masaya ako sa desisyon ko," ayon kay Kim.

Nilinaw ni Kim na hindi ang boyfriend niyang si Mike Acuna ang nagpayo sa kanyang talikuran ang pagpapa-sexy.

Bagaman aminado siya na may mga nagsasabi na masyado pang maaga upang mag-iba siya ng direksiyon ng career, sinabi ni Kim na mas gusto niyang gawin ang mga proyekto na magiging masaya siya.

"So, ngayon, kung may mga projects na Wish Ko Lang, talagang kinukuha ko agad, kasi gusto ko mag-drama talaga.

"Yun ang importante na masaya ka sa ginagawa mo, masaya ka sa buhay mo," ayon kay Kim.

Mapapanood si Kim sa comedy movie na "Kiko en Lala," kasama sina Jo Berry, Derrick Monasterio, Divine Tetay, Kiray Celis, at si Super Tekla. -- For the full story, visit  PEP.ph