Bago pa man sila sabay na manalo ng Mega Jackpot ng Wowowin, may developan nang nangyari sa mga OFW na sina Emay at Tintin.

Kuwento ni Emay, nagkakilala sila ni Tintin sa audition at nagkausap tungkol sa kanilang mga pinagdaanan sa buhay. Si Tintin naman, umaming siya ang kumuha ng numero ng lalaki para ipagpatuloy ng komunikasyon nila.

Sa Pera o Kahon segment nitong Biyernes, nanalo sina Emay, Tintin at nagbabalak mag-abroad na si Udeng ng P1 milyon, house and lot at brand new na kotse.

Balikan ang nakakakilig na pagtatapat ni Emay ng pag-ibig kay Tintin.

— Jamil Santos/DVM, GMA News