Magkakaroon na rin ng Eat Bulaga Myanmar!
Ito ang inanunsyo nina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon nitong Martes kasabay ng pagdiriwang ng Eat Bulaga ng kanilang ika-40 na anibersaryo.
First Big Announcement: Magkakaroon na ng bagong Franchise ang Eat Bulaga!
— Eat Bulaga (@EatBulaga) July 30, 2019
Magkakaroon na ng Eat Bulaga Myanmar!
Sinalubong nina Bossing at Joey si Captain Aung Po ng Eat Bulaga Myanmar at binigyan nila ito ng "Eat Bulaga" red shirt na kakulay din ng kanilang suot.
Matatandaang nagkaroon na rin ng international franchise ang Eat Bulaga na Eat Bulaga Indonesia noong 2012.
Noong nakaraang Sabado, sinimulan ng Eat Bulaga ang pagdiriwang nila ng ika-40 anibersaryo nang mag-full-force sila sa Barangay N.S. Amoranto, Quezon City. —NB, GMA News
