Ibinahagi ni Arra San Agustin sa programang "Tunay Na Buhay" ang kaniyang buhay bago siya naging artista nang maging kalahok noon sa "Starstruck." Kasama ang host ng programa na si Pia Arcangel, binisita nila ang dating paaralan na pinasukan ni Arra sa Cavite.
Pag-amin ni Arra, hindi siya mabarkada noon at naging istrikto sa kaniya ang mga magulang para matutukan niya ang kaniyang pag-aaral. Panoorin.
Muli sa pagiging mahiyaan, nahubog ang kompiyansa sa sarili ni Arra nang sumali sa "StarStruck" at tuluyang makapasok sa showbiz. Ikinuwento rin niya kung papaano siya nahikayat na sumali sa naturang reality-based artista search ng GMA.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
