Bago maging kauna-unahang "The Clash Grand Champion," marami ring pinagdaanang pagsubok si Golden Cañedo. Kabilang rito ang muntikan siyang hindi makaabot sa audition, at ang mawalan ng kumpiyansa sa singing competition.

Sa programang "Tunay Na Buhay," ikinuwento ni Golden na ipinagpatuloy niya ang The Clash para sa pamilya.

At ngayong ganap na singer, nagkaroon na ng TV guestings si Golden, kabilang ang Sarap Di Ba? at Studio 7.

Hindi naman malilimutan ni Golden ang ipinayo sa kaniya ng beteranang aktres na si Angelu de Leon para magampanan niya ang kaniyang life story sa Magpakailanman. Panoorin.

— Jamil Santos/DVM, GMA News