Nagdadalamhati ngayon ang magkakapatid na sina Claudine, Marjorie at Gretchen Barretto sa pagpanaw ng kanilang amang si Miguel nitong Martes ng hapon. Ang ama ng comedy genius na si Michael V, sumakabilang-buhay din.

Sa Instagram post ni Claudine, makikita ang pagsasama-sama ng kanilang pamilya sa ospital habang nakaratay ang kanilang ama.

"He told me kanina 'I want to fly.' I said 'Dad, fly. Soar," saad ni Claudine sa video, na nilagyan niya ng caption na "We luv u Dad."

"Never knew I could hurt like this. Goodbye daddy," saad pa ni Claudine sa kaniyang Instagram stories.

Setyembre 29 nang maospital si Mr. Barretto, ang araw din nang ipinagdiwang ang kaniyang ika-82nd kaarawan sa bahay ni Marjorie.

ADVERTISEMENT

"Right after the blowing of the candles on his cake, he took a nap and fell very ill. My siblings and I rushed him to the nearest hospital," kuwento ni Marjorie sa Instagram noong Oktubre 6.

 

 

Samantala, nagdadalamhati rin si Michael V. sa pagpanaw ng kaniyang amang si Cesar Felix Bunagan.

Inanunsyo niya ito nitong Lunes ng umaga sa Instagram, kung saan nag-post siya ng dalawang kamay na magkahawak.

 

Bago nito, nag-post din si Bitoy ng kanilang family photo na may caption na "Bring us back. #TBT"

 

Matatandaang humingi ng panalangin si Bitoy para sa kaniyang ama noon ding nakaraang linggo.

Ipinarating naman ng mga kaibigan ni Bitoy ang kanilang pakikiramay sa pagpanaw ng kaniyang ama, tulad nina Ogie Alcasid, Mikoy Morales at Ryan Agoncillo.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News