Maine Mendoza at Carlo Aquino sa premiere night ng kanilang pelikula. PHOTO FROM CATA TIBAYAN
Maine Mendoza at Carlo Aquino sa premiere night ng kanilang pelikula. PHOTO FROM CATA TIBAYAN

Star Studded ang Premiere night ng "Isa pa with Feelings" na pinagbibidahan nina Maine Mendoza at Carlo Aquino.

Dumating sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna.

 

Full support sila Bossing Vic Sotto at si Pauleen Luna kay Maine Mendoza sa premiere night. PHOTO BY CATA TIBAYAN
Full support sila Bossing Vic Sotto at si Pauleen Luna kay Maine Mendoza sa premiere night. PHOTO BY CATA TIBAYAN

Early bird naman si Ruby Rodriguez.

Syempre nariyan din si Baeby Baste na full support sa kanyang Ate Menggay, Benjie Paras, Sheena Halili kasama ang kanyang fiance, Angelika Dela Cruz, Ciara Sotto at boyfriend na si Austin at mga executives ng APT Entertainment.

Full support din ang pamilya ni Menggay at fans na matiyagang naghintay sa screening.

Nagpapasalamat si Menggay sa opportunity na it at sa walang sawang suporta ng fans

"Tt was an honor to represent the deaf community," aniya Maine at Carlo. "We should do more movies about our deaf community."

Makaka-relate ang maraming Pinoy lalo pa't tungkol ito sa pag-ibig.

Abangan din nila ang mga nakakakilig na eksena—favorite nga raw ni Maine ang sayaw nila ni Carlo, at syempre ang relevance ng aquarium.

Pero bago ang screening nag guest muna si Carlo sa "Daddy’s Gurl" kung saan nakasama niya sa comedy scenes si Menggay.

Nag-enjoy daw si Carlo pero naninibago daw siya. biniro pa ni maine na magguest ulit sa show.

Mapapanuod na sa mga sinehan ang Isa pa with feelings simula October 16. — BAP, GMA News