Gandang-ganda si Janine Gutierrez sa screenplay ng "Babae at Baril," na isinulat ng direktor ng movie na si Rae Red.

“Ito talaga yung pinangarap kong role!” bulalas ni Janine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng indie film na Babae at Baril nitong October 14 sa The Aristocrat restaurant sa Quezon Memorial Circle, QC.

Ang Babae at Baril ay isa sa mga entries ng QCinema International Film Festival na ongoing ngayon hanggang October 22 sa select cinemas. Nasa pelikula rin sina JC Santos at Felix Roco.

“Yung character na ‘to kasi, galing siya ng probinsiya, wala pang masyadong alam sa Manila, very out-of-place, pero may mangyayari sa buhay niya na sobrang magkaka-conflict yung character niya.

“And so for me, actually, parang dalawang character yung kinailangan kong i-play rito.

ADVERTISEMENT

“If anything, medyo it reminds me a bit of Attorney Grace from Legally Blind [2017 TV series] na talagang hindi magpapatalo, ipinapakita yung power ng isang babae, pero this is like a whole other level.

“So, wala talaga akong character na quite like this one sa Babae at Baril.

“Maganda talaga yung kuwento. The script really was what attracted me to the project, sobrang ganda ng script!

“Kaya sobrang nape-pressure din talaga ako. Kasi, 'pag napakaganda ng script, sobrang pressure yun bilang artista na magampanan mo, mapantayan mo yung ganda ng kuwento on paper na lumabas din siya sa screen.

“Pero dapat siyang abangan, kasi, I think in a way, lahat din tayo, makaka-relate; Na may mga nangyayari sa buhay natin na talagang nagpapaiba sa pagkatao natin. Gustuhin man natin o hindi.

“And aside from that, yung pangalawang sobrang gusto ko sa project na ito is super-female din siya which is something I’m super-passionate about also, women empowerment, especially for the youth.

“Kasi, director namin, babae. DOP namin, babae. Producers namin, babae.

“Yung kuwento tungkol sa isang babae na hindi mo aakalain na kaya niyang gawin ang mga magagawa niya.

“So I think it’s a really important project especially considering everything that’s happening now,” kuwento ni Janine. -- For the full story, visit PEP.ph