Sa kabila ng maraming nae-engage na artista ngayon, wala munang balak si Rocco Nacino na mag-propose na rin sa girlfriend niyang si Melissa

"Bakit ako makikisabay? Ano 'to, trend?" sagot ni Rocco sa showbiz press sa isang video ng GMANetwork.com

"Malaking step 'yun. So marami akong priorities na tinatapos ngayon. Naniniwala ako na before you take that big, big step, tapusin muna 'yung... may list ka eh, tatapusin mo 'yun lahat. Para no regrets," paghahayag pa ng aktor.

ADVERTISEMENT

Mas mahalaga para kay Rocco na tapusin muna ang "goals" niya sa buhay, bago niya maisipang magkaanak.

"Kasi sa akin, it will never be too late basta as long as both parties natapos nila lahat 'yung bucket list nila, 'yung priorities nila. Importante walang regrets."

Inihayag ni Rocco, na bibida bilang si Sergeant Diego Ramos a.k.a. Wolf sa Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun, na priority niya ngayon ang kaniyang bahay.

"Andaming ganu'n eh. May mga make or break din eh. Ako, basta importante tapusin ko muna 'yung bahay ko. Bahay muna tapos ipon, ipon ulit, tapos maybe, baby 'yung huli."

Natanong din si Rocco kung para sa kanila na ba ni Melissa ang pinapagawa pa niyang bahay.

"Well, maganda 'yung takbo ng relationship namin. If it goes there, definitely oo. Pero meron akong mga rooms para sa family ko, mom ko, kung sino mang guest, always welcome sila, kasi tumutulong din sila sa bahay," anang aktor. —Jamil Santos/LBG, GMA News