Sa programang Tunay Na Buhay, sumalang si Polo Ravales sa "Prangkahan with Pia" kung saan diretsahan niyang sinagot kung nagkaroon ba sila ng relasyon noon ni Sunshine Dizon.

"Yes, pero mga bata pa kami noon eh. More of puppy love siya," pag-amin ni Polo sa host ng programa na si Pia Arcangel.

Muling nagtambal sina Sunshine at Polo sa GMA series na "Magkaagaw" nitong taon. Naging magka-love team na rin sila noon sa teen-oriented GMA show na T.G.I.S. at Anna Karenina.

Nagkatrabaho rin sila sa hit fantaserye na "Encantadia."

Marami namang natutunan si Polo nang makatambalan niya ang magaling na aktres na si Jean Garcia, pati na rin kay Ara Mina na nagbahagi sa kaniya ng business tips.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News