Dalawang taon matapos silang ikasal, magkakaroon na ng baby ang Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno.

Nitong Miyerkules, araw mismo ng Pasko, ibinahagi ng mag-asawa sa pamamagitan ng Instagram post ang sonogram ng kanilang magiging baby.

"The more the merrier!! Merry Christmas from our growing family to yours," saad nila sa caption.

ADVERTISEMENT

 

 

Matatandaan na ikinasal sina  Max at Pancho noong December 2017.

Sa isang panayam noong nakaraang Marso, sinabi ni Max na handa na siyang maging ina dahil na rin sa kaniyang role sa dating Kapuso series na "Bihag."

Dinagsa naman ng pagbati ang mag-asawa mula sa kanilang fans at maging kapwa celebrities.—FRJ, GMA News