Masayang maggu-goodbye sa 2019 ang "Beautiful Justice" stars na sina Derrick Monasterio at Gabbi Garcia dahil marami raw silang biyayang natanggap sa taong ito.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes,  sinabing masaya ang dalawa kahit hindi na sila nakapag-Christmas vacation  ngayon taon dahil sa dami ng kanilang proyekto.

Katunayan, balik-taping na uli ang dalawa para sa "Beautiful Justice," at naghahanda na rin para sa bago nilang Sunday show na "All Out Sunday."

"Happy naman [na] magkakasama naman 'yung buong cast. We're all close kaya kahit we're all away from our family, it's like our second family na rin," sabi ni Gabbi.

"For me it's a blessing pa rin talaga na may taping ka. Kasi mas maganda na 'yung may work ka kaysa wala," saad naman ng aktor.

Masaya nga raw nilang lilingunin ang 2019 dahil sa dami ng blessings na kanilang natanggap.

"Marami akong nabiling mga investment, 'yon 'yung pinaka-da best na ano...like major investments. And of course new shows," sabi ni Derrick kaya nagpapasalamat na nagpapasalamat sa Diyos sa mga natanggap niyang blessings.

Pahayag naman ni Gabbi, "Ako po, moving into our new home this year. 'Yon, nangyari 'yon this year.' LSS', 'yung movie namin ni Khalil for Pista ng Pelikulang Pilipino, kasi it's my first lead [role] kasi."

Sobrang excited na rin ang dalawa na magkasama silang muli sa bagong musical-comedy noontime show ng GMA na "All Out Sunday" na magsisimula na sa January 5.

"Magaling kumanta 'yang si Gabbi hindi n'yo lang nalalaman. So ako, it's an honor for me para makasama ko si Gabbi sa isang prod na kantahan," ani Derrick.

"Ako, gusto ko sayawan kung kasama si Derrick," natatawa namang sabi ni Gabbi.--FRJ, GMA News