Sa kaarawan ni Tekla, isang simpleng mensahe ang natanggap niya sa kaniyang amang si Ireneo Librada.  Pero sapat na ito para maging emosyonal at maiyak ang Kapuso comedian.

Ipinakita sa programang "The Boobay and Tekla Show" ang video message ng ama ni Tekla kung saan ang tanging hangad niya ay maging maligaya ang kaniyang anak.

"Magandang araw Tekla, sana maligaya ka sa iyong kaarawan. Nandito lang kami, sana maligang-maligaya ka," bahagi ng maigsing mensahe ni Mang Ireneo kay Tekla.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Tekla, may sakit ang kaniyang ama at nabisita naman niya ito kamakailan na nagdiwang din ng kaarawan.

Paglalarawan niya sa ama, simpleng tao lang ito at hindi mahilig sa materyal na bagay.

"Kahit operan [offer} mo ng ano 'yan... ng bagay, something, pera, wala sa kaniya 'yon. Yung importante presence, yung love, yung effort. And sana, yung lang yung wish ko sa birthday ko na sana habaan pa yung health niya," saad ni Tekla.

Dagdag niya, "Kung may lakas pa ko na dugtungan ko pa yung life ng tatay ko ginagawa ko."

Ikinuwento rin ni Tekla na namana niya sa kaniyang ama ang estilo ng kaniyang pagpapatawa.

"Kung kilala niyo lang ang tatay ko, napaka-witty niyan," saad niya.-- FRJ, GMA News