Pumanaw nitong Martes, Enero 14 ang batikang broadcast journalist na si Twink Macaraig matapos ang pakikipaglaban sa sakit na cancer. 

Ang pagpanaw ni Macaraig, news anchor ng TV 5, ay kinumpirma sa Facebook post ng naturang network.

Bukod sa pagiging news anchor,  mayroon din siyang kolum sa PhilStar at sa Esquire.

Nagsilbi rin siyang part-time faculty lecturer sa University of the Philippines (UP) College of Mass Communication.

Naging dati rin siyang news anchor ng ANC.

Sa pamamagitan ng social media, nagpaabot ng pagdadalamhati ang kaniyang mga kaibigan at ilang nakasama niya sa trabaho.

"I've long made peace with my demise," saad ni Macaraig sa isinulat niya sa PhilStar noong March 24, 2019. "My last will and testament — handwritten amidst many tears — is in the safe. I could give up. Succumb. Surrender. But I won't. While the very heart of me — that chamber that stores my conscience and conviction, love, dreams, memory and self-respect — remains unbreached, I will fight."

Sa ulat ng PEP.ph, inihayag ni Macarain sa isang panayam noong 2016 na nagkaroon siya ng breast cancer pero gumaling siya mula rito.

Pero pagkaraan ng sampung taon, nagulat siya na bumalik ang kaniyang sakit at kumalat na iba pang bahagi ng kaniyang katawan.
 
“Bahala ka na Diyos, I will spend my time on this earth and then when I have to go, I’ll be ready,” saad niya sa naturang panayam. — FRJ, GMA News