Nagsalita si Heaven Peralejo tungkol sa breakup nila ni Marco Gallo, at sinabing hindi lahat ng makakasalamuhang tao ay nakatakdang manatili sa ating buhay.
“It was a beautiful love,” sabi ni Heaven tungkol sa naging relasyon nila ni Marco nang maging guest sila ni Mikee Quintos sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
“And come to think about it, I realized din, siguro dahil sa Hawaii trip natin (kasama si Mikee). I realized na hindi naman lahat ng tao is meant to stay forever in your life. And sometimes, dapat nandu’n lang siya sa season na ‘yun ng storya ng buhay mo,” pagpapatuloy ni Heaven.
Ayon sa aktres, isa siyang “date to marry” na tipo ng babae.
“So, maybe nagkaroon ng miscom (miscommunicatoin). Or maybe again, hanggang ganu’n na lang talaga. And that's fine,” saad niya.
Pahabol na tanong si Tito Boy kay Heaven ay kung naging “messy” ba ang breakup nila ni Marco?
“May breakup bang maayos? It will always be painful. Lahat naman ng breakup,” tugon niya.
Inamin ni Heaven na nakaramdam din siya ng galit dati matapos ang hiwalayan.
“Because you have this expectation. But then again, matanda na tayo, Tito Boy. We accept na everyone has flaws. Ako rin naman. And siya rin. And maybe hanggang du’n na lang kami. And it's fine. Kasi at some point, minahal namin ang isa't isa the best that we can,” paliwanag niya.
Binalikan din ni Heaven kung naging “lost” siya matapos ang breakup.
“And then I realized, you never get lost. You actually rediscover yourself to who you are now and who you want to be,” aniya.
Naghiwalay sina Heaven at Marco noong nakaraang taon. – FRJ GMA News
