Nagbalik si Julia Clarete sa longest-running noon time show na "Eat Bulaga" nitong Miyerkoles bilang bisita sa patok na segment nito na "Bawal Judgmental."

Tungkol sa mga yaya ang topic ng segment, at kabilang sa mga pinahulaan sa celebrity contestant na si EA Guzman, ang yaya for 40 year ni Julia na si Jovita.

Sa first round ng segment tama ang pagkakapili ni EA kay Jovita sa tanong na sino sa mga yaya ang nagsilbing sa isang pamilya nang higit sa 30 years.

Inilahad ni Yaya Jovita na nakilala raw siya ng pamilya ni Julia sa Iloilo City nang irekomenda siya bilang isang kasambahay.

Three months old pa lang daw si Julia noon nang alagaan ni Yaya Jovita. At ngayon, anak na ni Julia na si Vince ang inaalagaan nito.

"Si nanay, maraming sakripsiyo 'yan na binigay sa amin, hindi lang sa akin, kundi sa buong mga kapatid ko, buong family namin. Kasi kahit anong mangyari sa amin, when my mom left for the States tapos kami lang talaga ang natira, hindi niya kami iniwan," paglalahad ni Julia.

"You know in your heart and everybody knows that you are a blessing to us, so keep it up, yo!" dagdag ni Julia.

Natatawa at pabirong mensahe naman ni Yaya Jovita kay Julia, "Mahal na mahal ko kayo lahat, lalo na si Vince, hindi ikaw."

Bukod sa Yaya ni Julia, kasama rin sa mga pinahulaan ang yaya ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz, at maging ang yaya ni Dianne Medina.

BASAHIN: Julia Clarete, nagpaliwanag kung bakit wala siya sa 'Eat Bulaga'

Taong 2016 nang ianunsiyo ni Julia na hindi na siya mapapanood sa Eat Bulaga dahil maninirahan na siya sa Malaysia upang bumuo ng pamilya.

BASAHIN: Julia Clarete, sinagot ang mga intrigang ikinakabit sa pag-alis niya sa Eat Bulaga!

Sa pag-alis niya sa longest running noontime show, hindi nakaligtas si Julia sa mga intriga. --FRJ, GMA News